TALATA: PROVERBS 31:10-31
LAYUNIN: Upang malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng babae, asawa at ina sa Biblia. Ganon din ang tungkuling gagampanan ng mga babae sa kaharian ng Diyos.
SAGUTIN:
- Ano ang katumbas ng isang mabuting babae?
- Anu-ano ang katangian ng isang mabuting babae?
- Ano ang sinabi tungkol sa kagandahan kumpara sa mabuting babae?
- Anong uring babae ang dapat bigyan ng parangal?
TALAKAYIN:
- Para sa iyo sino o ano ang isang mabuting babae?
- Sa mga katangian ng babae na ating nabasa alin doon ang nakikita o nakita mo sa iyong ina?
- Kung paparangalan mo ang nanay mo ano ang igagawad mo sa kanya?
- Kung ikaw ay isang babae anong katangian ang gusto mong maabot para sa sarili mo?
- Kung ikaw naman ay lalaki ano ang magagawa mo para mapalabas at maparangalan ang isang mabuting babae?
